^

Probinsiya

Direktor ng SONA ni Duterte, Piolo Pascual tinabla sa Sagada

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Direktor ng SONA ni Duterte, Piolo Pascual tinabla sa Sagada
Pa­ngulong Rodrigo Duterte
PCOO released

Kinatakutan na mga ‘carrier’ ng COVID-19

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Dahil sa COVID-19, pinagsarhan ng pinto ng mga opisyal at mamamayan ang premyadong movie director na si Joyce Bernal kasama ang actor na si Piolo Pascual upang kunan ng video para sa backdrop ng nalalapit na SONA (State of the Nation Address) ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang makulay na tanawin at eksena ng pamumuhay sa Sagada, Mountain Province noong Linggo.

Ayon kay Vice Ma­yor Felicito Dula, pinuno ng Sagada COVID 19 Task Force, tumuloy sa kanilang bayan si Bernal at grupo nito noong Hulyo 5 gayong tinanggihan ni Mayor James Pooten Jr. at ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ang email nito noong Hulyo 3 na humihingi ng pahintulot na mag-shoot sa lugar. 

Nabatid na duma­ting sina Bernal, Pascual at apat pang tauhan ng Malacañang Presidential Broadcast Staff-RTVM sa Sagada noong gabi ng Linggo subalit tinanggihan silang patuluyin ng pangasiwaan ng Sagada Heritage Village Hotel matapos ibasura ang kahilingang makakuha ng shooting permit.

Ang makukunan sanang video materials sa Sagada ay gagamitin sa SONA ng Pangulo na nakatakdang ipalabas sa ikatlong linggo ngayong Hulyo.

Ayon sa pamunuan ng hotel, sinusunod lamang nila ang kautusan ng lokal na pamahalaan na --”all tourism establishments continue to be suspended/closed due to the COVID-19 pandemic.”

Gayunman, sinamahan ng mga police escort ang grupo ni Bernal sa isa pang hotel kung saan nila nakausap ang bise mayor at iba pang mga mamamayan na tutol sa kanilang pagpasok sa bayan.

Ipinaliwanag ni Dula kay Bernal na pinagbabawal ang pagpasok ng mga outsiders sa Sagada lalo na kung sila ay mula sa mga “red areas” kung saan malala ang kaso ng COVID-19. 

Ani Dula, hindi nila kayang pangasiwaan ang pagpasok ng mga suspected virus carriers sa Sagada dahil wala silang sapat na quarantine facility at gamit medikal upang masawata ang COVID.

Sinabi ni Dula na humingi ng paumanhin si Bernal at nagma­kaawang payagan silang makapagpalipas ng gabi sa hotel na pinaunlakan naman ng mga opisyal.

Tahimik na nilisan ni Bernal at kanyang mga alipores ang Sagada habang mahimbing pa ang mga mamamayan dito nang sumunod na araw ng Lunes.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with