^

Probinsiya

2 parak suspek sa pagpatay sa 15-anyos

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 parak suspek sa pagpatay sa 15-anyos
Kinilala ang dala­wang suspek na pulis na sina P/Staff Sergeants Marawi Torda at Dante Ramos, kapwa nakatalaga sa San Juan Police Station ng nasabi ring lalawigan.
STAR/ File

Biktima hinuli sa ‘curfew’ bago inabuso, pinsan ni-rape

ILOCOS SUR, Philippines — Dalawang pulis ang lumalabas ngayon na suspek sa pagpatay sa isang 15-anyos na dalagita na sinasabing kanilang unang minolestiya at ni-rape pa ang pinsan nito matapos silang sitahin at hulihin sa paglabag sa “quarantine protocols” sa Cabugao, Ilocos Sur.

Kinilala ang dala­wang suspek na pulis na sina P/Staff Sergeants Marawi Torda at Dante Ramos, kapwa nakatalaga sa San Juan Police Station ng nasabi ring lalawigan.

Ayon kay P/Captain Benjamin Raquedan, hepe ng San Juan Police, dinisarmahan at dinala na nila sina Torda at Ramos sa holding area ng Provincial Police Office habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanila.

Sa imbestigasyon, kasama sa grupo ng mga kabataan sa isang party sa San Juan ang biktimang si Fabel Pineda at pinsan nitong 18-anyos na dalaga nang sitahin ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at social distancing.

Sinabi ni Cabugao Police chief Capt. Ramil Llanares na sa kanyang teritoryo isinagawa ng dalawang pulis ang makamundo nilang pagnanasa kina Pineda at pinsan nito na matapos hulihin ay inalok nilang ihatid pauwi. Gayunman, imbes na ihatid ay pinagsamantalahan umano ang magpinsan ng dalawang pulis pagkarating sa Cabugao noong Hulyo 1.

Dahil dito, naghain ng kasong “acts of lasciviousness” si Pineda laban kay Torda habang ang pinsan nito ay kinasuhan ng “rape” si Ramos sa Cabugao Police Station.

Gayunman, habang pauwi si Pineda kasama ang dalawang kaanak lulan ng motorsiklo mula sa naturang istasyon noong Huwebes ng gabi ay tinambangan at nirat­rat sila riding-in-tandem. Agad na nasawi ang dalagita dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan matapos puntiryahin ng mga suspek habang hindi nasaktan ang dalawang kaanak nito sa ambush.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with