Pabrika ng katol nasunog

KIDAPAWAN CITY, Philippines  - Tinupok ng apoy ang isang mosquito repellant factory sa Barangay Nueva Vida sa bayan ng M’lang, North Cotabato kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni M’lang Vice Mayor Joselito Piñol, nagsimula ang apoy sa boiler area ng nasabing pabrika dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Mabilis na dumating ang mga kagawad ng Bureau of Fire protection (BFP) kung kaya hindi na kumalat pa ang apoy sa kalapit na mga building ng pabrika.

Ang nasabing kom­panya ay pinatatakbo umano ng mga Chinese national na Alpha company. Nito lang 2018 nang itayo ang pabrika sa Barangay Nueva Vida at karamihan sa mga manggagawa nito ay mga residente rin sa barangay.

Inaalam pa ng mga arson investigators kung magkano ang napinsala sa sunog.

Show comments