Ayon kay Dr. Angelo Naui, Provincial Veterina-rian ng lalawigan, pinakahu-ling naapektuhan ang mga hog raisers mula sa Brgy. Mambabanga sa bayan ng Luna at Brgy. Ramos West sa bayan ng San Isidro.
STAR/ File
34 brgy. sa Isabela, nadale ng ASF
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2020 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines - Umakyat na sa 34 na bara-ngay mula sa 14 na bayan sa lalawigang ito ang apektado na ng African Swine Fever (ASF), ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Dr. Angelo Naui, Provincial Veterina-rian ng lalawigan, pinakahu-ling naapektuhan ang mga hog raisers mula sa Brgy. Mambabanga sa bayan ng Luna at Brgy. Ramos West sa bayan ng San Isidro.

Ang iba pang mga bayan na unang naapektuhan ng ASF ay kinabibilangan ng Quezon, Quirino, Mallig, Jones, Aurora, Roxas, San Manuel, Gamu, Cordon, Mercedes, Echague at San Pablo. 

Matapos pumutok ang kaso ng ASF sa lalawigan, umabot na sa kabuuang 1,611 ang mga baboy na isi­naila- lim sa “culling” o pagpatay ng mga awtoridad.

Pinayuhan ang mga hog raisers sa mga nabanggit na bayan na huwag munang mag-alaga ng baboy hangga’t hindi naidedeklarang ASF free na ang nasabing mga barangay.

Samantala, mahigpit pa rin ang ipinatutupad na lockdown sa Bayombong, Nueva Vizcaya at Solana, Cagayan para hindi na kumalat ang ASF sa iba pang mga bayan ditto.

ASF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with