3 karnaper tiklo sa droga

KABACAN, North Cotabato, Philippines — Tatlong drug suspect na sangkot din umano sa nakawan ng mga motorsiklo ang naaresto ng pulisya matapos na makuhanan ng droga sa patuloy na kampanya kontra iligal na droga sa Barangay Poblacion, dito sa bayan kamakalawa.

Sa report ng Kabakan Police, nakilala ang mga suspek na sina Mosaid Rahim, 23-anyos; Ryan Lampak at Usman Pangkog, 28, pawang nakatira sa Barangay Fort Pikit, Cotabato.

Nakuha sa kanila ang limang pakete ng hinihinalang shabu, buy-bust money at motorsiklo.

Show comments