3 drug personalities timbog
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Tatlong kilabot na drug personalities ang nadakip ng pulisya sa inuupahan nilang tiangge sa Barangay Centro, Sta. Ana, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni Captain Joel Labasan, hepe ng Sta. Ana Police Station, ang mga nadakip na drug high value targets na sina Rhea Tolentino, 38, isang public school teacher sa katabing bayan ng Gonzaga; ang lover nitong si Wilson Taclay, 40, at utol na beautician na si Barabas “Barbie” Tolentino 33.

Nasamsam sa isinagawang paghahalughog sa bahay ng mga suspek ang sarisaring drug paraphernalia,  isang cal 45 na boga at isang granada.

Gayunman, sinisikap pa ng mga awtoridad na buksan ang poso negro ng palikuran ng bahay matapos umano’y i-flush ng mga suspek ang itinagong shabu sa inidoro nang dumating ang mga pulis.

Patuloy na sinisiyasat ng mga imbestigador ang kaso. 

DRUG PERSONALITIES DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with