Mag-live-in partner minasaker!
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tadtad ng bala sa kata­wan at patay na nang matagpuan ang isang mag-live-in partner makaraan silang pasukin sa inuupahang apartment at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa naganap na masaker sa Brgy. Santol, Tanza, Cavite nitong Lunes ng hapon.

Kapwa dead-on-the-spot ang mga biktima na kinila­lang sina Amante Ronquillo at Ma. Jesusa Torcuator; kapwa 48- anyos sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sa ulat ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director P/Col. Marlon Santos, alas-2:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob ng apartment ng maglive-in partner sa nasabing lugar.

Sa pahayag ng isang testigo, dumating sa lugar ang mga armadong salarin na agad pinasok ang tahanan ng mga biktima. Ilang saglit pa ay sunud-sunod na putok ang umalingawngaw na tulu­yang tumapos sa buhay ng maglive-in partner na kapwa duguang bumulagta sa insidente.

Ang mga suspect ay nag­mamadaling tumakas sa lugar na hindi naman nagawang harangin ng mga kapitbahay ng mga biktima dahil pawang armado.

Nabatid na apat na araw pa lamang nakatira sa lugar ang dalawa matapos na renta­han ang nasabing apartment.

Narekober sa crime scene ang sari-saring identification (ID) ng maglive-in partner na iba-iba ang ginamit na pa­ngalan pero iisa lamang ang larawan. Sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay. Cristina Timbang

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with