^

Probinsiya

Mag-asawang retirado, kinatay sa bahay

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Naliligo sa sarili nilang dugo at patay na ang mag-asa­wang retirado nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay matapos na pasukin at pagsasaksakin ng ‘di kilalang mga salarin sa Purok Maligaya, Brgy. Magsaysay, Koronadal City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mag-asawa na sina Arturo Aquino, 68-anyos, isang retired military man at asawang si Erlinda, 75, isang retired midwife.

Batay sa ulat ng pulis­ya, alas-10:00 ng umaga nang madiskub­re ng kanilang driver boy ang krimen nang kukuha sana siya ng inuming tubig sa loob ng bahay ng mag-asawa. Bukas na umano ang pinto ng bahay at bumungad na lamang sa kanya ang duguang bangkay ng mga biktima.

Sa ulat, kapwa pinagtataga ang mga biktima matapos silang pasukin. Gayunman, hindi umano nawala ang mga importanteng gamit ng mag-asawa sa bahay ngunit hinalungkat umano ang kanilang mga kagamitan.

Nabatid na malayo rin sa ibang kabaha­yan ang tahanan ng mga biktima dahilan kung bakit walang nakapansin sa krimen.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with