^

Probinsiya

Aurora at Bataan drug free na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idineklara na kahapon ng Philippine National Police (PNP) na drug-free na rin ang mga lalawigan ng Aurora at Bataan.

Kaugnay nito, na­ngako ang PNP na ipagpapatuloy pa ang kanilang kampanya kontra iligal na droga upang mas marami pang lalawigan ang malinis mula sa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.

“The liberation of Aurora and Bataan from illegal drugs is clear proof that we are doing well in this campaign, and that the drug war launched by President Duterte is on the right path,” ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, na siyang deputy chief for Operations ng PNP, sa isang se­remonya sa Bataan. 

Batay sa datos ng PNP, anim pang lalawigan sa bansa ang malapit na ring malinis mula sa illegal drugs.

Sa Quirino, 85 na sa 135 barangays ang cleared; 111 naman sa 132 barangays sa Biliran ang drug free; 215 sa 314 barangay sa Agusan del Sur ang malinis na sa iligal na droga habang 96 sa 100 barangays ng Dinagat Islands ay idineklara na ring klaro sa illegal drugs.

Sa 309 barangays ng Surigao del Sur, 288 na umano ang cleared, habang 65 naman sa 144 barangays ng Mt. Province ang cleared. 

Sa kanyang talum­pati, sinabi ni Eleazar na ang positibong impact ng illegal drugs war sa naturang mga lalawigan ay nagpapa­kita lamang na mali ang pahayag ng kanilang mga kritiko na bigo ang kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot. 

Iginiit pa niya na maging ang mga kritiko ng drug war ay nakikinabang din naman mula rito dahil sa unti-unting paghusay na ng peace and order situation sa bansa, simula pa Hulyo 2016.

Tinukoy pa ni ­Eleazar ang datos ng PNP na nagsasaad na ang crime incidents sa buong bansa sa unang tatlo’t kalahating taon nang pamumuno ng administrasyong Duterte ay nabawasan ng 64% kumpara sa kahalintulad na panahon sa huling mga taon ng nakalipas na administrasyon.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with