Ang pagbubukas ay itinaon sa paggunita ng Ika-36 taong anibersaryo ng pagkamatay ni General Alejo Santos na tubong Bustos.
STAR/File
Gen. Alejo Santos bridge sa Baliuag, Bustos bukas na
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

BULACAN, Philippines — Muling binuksan sa trapiko ang mas pinatibay na tulay ng General Alejo Santos na nagdudugtong sa mga bayan ng Baliuag at Bustos, dito sa lalawigan.

Ang pagbubukas ay itinaon sa paggunita ng Ika-36 taong anibersaryo ng pagkamatay ni General Alejo Santos na tubong Bustos.

Nagsisilbing pangunahing daan ang tulay na ito ng mga sasakyan na galing sa Plaridel Bypass Road, na tatahak sa kabayanan ng Bustos patungo sa Baliuag. Tumatawid ito sa ibabaw ng ilon ng Angat na may habang 284.80 lineal meters at dalawang linyang salubungan.

Ayon kay DPWH Regional Director Roseller Tolentino, isang malawakang pagpapatibay o retrofitting ang ginawa sa General Alejo Santos Bridge bilang bahagi ng programa ng ahensya na patatagin ang mga matatanda nang tulay sa bansa. Ito’y upang tiyakin na hindi babagsak ang tulay sakaling tumama ang isang magnitude 7.2 na lindol.

Bilang bahagi ng re-trofitting, may dalawang abutment o malalaking pundasyon ang ibinaon na katabi ng malalaking poste nito. May kabuuang 16 na abutment ang  inilagay rito sa pitong span o dugtungan ng tulay.

Kaya naman ayon kay Adora De Leon-Sunga, regional information officer ng DPWH Region III, uubra nang makadaan sa mas pinatatag na tulay ng General Alejo Santos ang mga mabibigat na sasakyan gaya ng trak at bus. Nagkakahalaga ng P282.7 milyon ang nagugol sa proyekto mula sa mga pambansang badyet ng 2018 at 2019.

Sinabi ni Mayor Ferdinand “Ferdie” Estrella ng Baliuag, mapapabilis ang pagluwas papuntang Metro Manila ng mga motorista na galing sa Baliuag sa pamamagitan ng pagdaan sa tulay ng General Alejo Santos. Mula sa tulay na ito, ilang minuto na lamang ay mararating na ang Plaridel Road Bypass na diretso palabas sa Balagtas Exit ng North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon naman kay Bulacan Gov. Daniel Fernan­do, ang pagbu­bukas ng tulay ay bilang pagpupugay rin kay Gene­ral Santos, isang tubong Bustos na naging pinuno ng Bulacan Military Area (BMA) noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsilbing kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Bulacan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso noong 1946, gobernador ng Bulacan mula 1951-1957 at kalihim ng Tanggulang Pambansa sa ilalim ni Pangulong Carlos P. Garcia mula 1959-1961.

GENERAL ALEJO SANTOS BRIDGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with