8 PUI sa Region 2 negatibo sa COVID-19
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Walong persons under investigation (PUI) sa epidemya ng COVID-19 ang nagnegatibo sa virus sa pagsusuri ng Department of Health-Cagayan Valley na nag-iwan na lamang ng 9 na pasyenteng nasa pasilidad ng pamahalaan sa Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya kahapon.
Sa update ni Regional Health Director Rio Magpantay, ang mga pinalabas na sa quarantine facility ay pawang may mga travel history sa Hongkong at Taiwan na unang nakaramdam ng sintomas ng trangkaso sa Sta. Praxedes at Gattaran sa Cagayan; Cauayan City, San Pablo at Naguilian sa Isabela; Diadi at Bagabag sa Nueva Viscaya at Cabarroguis, Quirino.
Samantala, pinagpasyahan ng mga pinuno ng pamahalaan at komite ng Namunit Eco Tourism Festival sa Sta. Teresita, Cagayan na ipagpaliban ang pagdaraos nito mula Peb.25 -29 bagkus ay sa Marso 10-14 na lamang.
Kasunod ng emergency meeting kahapon, sinabi ni Mayor Rodrigo “Rambo” de Gracia na isang da-ting heneral na pinahahalagahan nila ang kaligtasan ng kanilang mamamayan laban sa banta ng pagkalat ng COVID-19 na inaasahan namang huhupa na sa susunod na buwan.
- Latest