Tourist lockdown sa 2 pang bayan sa Benguet at 9 na sa Cordillera
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

Dahil sa banta ng COVID-19

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pinahinto na ang aktibidad ng eco-tourism sa dalawa pang bayan sa Benguet sa gitna ng banta ng pagkalat ng COVID-19 na nagbunga ng kabuuang 9 na bayang isinailalim sa tourist lockdown sa Cordillera nitong nakaraang linggo.

Magkasunod noong Peb 11 at 12, idineklara ni Mayor Bill Raymundo ang bayan ng Bakun at Mayor Manny Fermin ang bayan ng Kapangan sa “indefinite suspension” sa mga turista o bisita ang kanilang teritoryo na pamoso sa mga “Instagramable” na tanawin.

Sa kanilang ipinalabas na magkahiwalay na Executive Order, tinukoy ng dalawang alkalde ang direktiba ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na iwasan muna ang pagpasok ng mga dayuhan sa kanilang lugar habang hindi pa natatapos ang banta ng epidemya ng COVID-19.

Bunga nito, nagpatupad na ang pulisya ng mga checkpoint sa hurisdiksyon  upang mapigilan ang pagpasok ng mga dayuhan.

Pamoso sa Bakun ang Kabunian at Nagasa caves na pinupuntahan ng turista habang sa Kapangan naman ay ang mga kuweba ng Lumanoy, Longog at Bulalacao gayundin ang Mt. Dakiwagen na tanyag sa tawag na Sta. Claus Mountain. 

Bagama’t nalulungkot si Mayor Fermin sa pagsasara pansamantala sa mga lugar na aniya kapag peak season ay binibisita ng mula 5,000-8,000 turista ay nananaig pa rin sa kanya na pangalagaan ang kalusugan ng kanyang mamamayan.

Ang mga nagpatupad na ng lockdown sa mga turista sa Cordillera ay ang Bakun, Kapangan, Kibungan, Atok at La Trinidad sa Benguet habang sa Tinglayan, Pasil at Balbalan naman sa Kalinga.

Nauna rito, nagdeklara ng lockdown sa Mountain Province, ang Sagada habang kinansela ang mga cultural at tourism festivals na nakatakda sana sa mga bayan ng Besao at Tadian.

 

TOURIST LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with