Sinabi ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) director P/Col. Lawrence Cajipe, ang suspek na si Edmar Aspirin at dalawa pa nitong kasamahan ay napatay sa palitan ng putok nang manlaban sa buy-bust operation ng pulisya dakong alas-12:20 ng madaling araw nitong Sabado sa La Poblacion 1, Brgy. Muzon, San Francisco del Monte City.
STAR/File
5 ‘tulak’ todas sa shootout
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

BULACAN, Philippines — Limang umano’y notoryus na tulak ng droga ang bumulagta sa magkakahiwalay na shootout sa San Jose del Monte City habang 18 pa ang nasakote sa serye ng anti-drug ope­ration sa Bulacan, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) director P/Col. Lawrence Cajipe, ang suspek na si Edmar Aspirin at dalawa pa nitong kasamahan ay napatay sa palitan ng putok nang manlaban sa buy-bust operation ng pulisya dakong alas-12:20 ng madaling araw nitong Sabado sa La Poblacion 1, Brgy. Muzon, San Francisco del Monte City.

 Narekober dito ang dalawang shotgun at 12 basyo ng bala nito, tatlong piraso ng cartridge ng cal 9mm, dalawang cal. 22 TCM cartridge, 18 plastic sachet ng shabu at Rusi motorcycle na walang plaka.

 Nauna rito, napatay rin ang dalawa pang drug suspect na sina Chamberlain Domingo at Chadwin Santos matapos na mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation sa Amihan Road, Brgy. Tungkong Mangga, San Jose del Monte City dakong alas-10:30 ng gabi noong Biyernes. Nakumpiska rito ang isang cal. 22 revolver, tatlong cartridge ng nasabing armas na may apat pang bala, isang improvised na sumpak, isang cartridge ng cal. 9mm, 20 plastic ng shabu, mga drug paraphernalia, kulay asul na Rusi motorcycle at mga personal na kagamitan ng mga suspek.

 Samantala, 18 pang drug suspect ang nasakote sa serye ng anti-illegal drug operation na isinagawa ng pulisya sa Meycauayan City, Norzagaray, San Miguel at Balagtas.

Nakumpiska sa o­perasyon ang 24 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at buy-bust money.

BULACAN PROVINCIAL POLICE OFFICE LAWRENCE CAJIPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with