Kasunod ng ipinatawag na magkakahiwalay na pagpupulong ng dalawang munisipyo at kanilang Coronavirus Task Force, napagkasunduan nila na sundin ang advisory ng DILG ukol sa pag-iwas sa mga matataong bukluran.
Ted Aljibe/AFP
Cultural at tourism festivals kinansela
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines  - Kinansela na ng mga opisyal ng mga bayan ng Besao at Tadian sa Mt. Pro­vince ang mga nakalatag na tourism at cultural festivals sa kanilang teritoryo dahil sa banta ng pagkalat ng nakamamatay na COVID-19 sa Besao at Tadian noong Biyernes. 

Kasunod ng ipinatawag na magkakahiwalay na pagpupulong ng dalawang munisipyo at kanilang Coronavirus Task Force, napagkasunduan nila na sundin ang advisory ng DILG ukol sa pag-iwas sa mga matataong bukluran.

Ayon kay Besao Mayor Johnson Bantog II, kinansela nila ang pagdiriwang ng kapistahan ng bayan at ang Ubaya Festival sa Peb. 29 hanggang Marso 4 gayundin ang Women’s Day Celebration sa Marso 8.

Sa halip, dahil sa tumama sa araw ng Linggo sa Marso 1 ang 116th Founding Anniversary ng Besao, hinikayat na lamang ni Mayor Bantog ang mga mamamayan na magsimba at ipagdasal na mapigilan ang pagpasok ng epidemya sa kanilang lugar.

Sa Tadian, kinansela ni  Mayor Constito Masweng ang “Ayowweng di Lambak Festival” na nakatakda sana sa Marso 6-8 at ang “Anap di Banoan di Tadian 2020” na isang beauty pageant sa Marso 4.

DILG JOHNSON BANTOG II
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with