^

Punong guro tiklo sa droga

Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2020 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines — Isang public school head teacher ang arestado matapos na mahuling nagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang operasyon sa Barangay Luzon, Cabatuan, Isabela kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dinakip ng mga operatiba ng Isabela Police at PDEA-Region 2 ang suspek na si Jesus Elamparo Ramirez, 49, punong guro ng Ortiz Zaranay Elementary School sa Cabatuan matapos nitong bentahan ng sachet ng shabu ang isang undercover agent. 

Nang masukol ng mga awtoridad, nakuha sa guro ang apat pang heat-sealed sachet ng  shabu.

 Sinabi ni Regional Director Brig. Gen. Angelito Casimiro na “priority target” ng Cagayan Valley Region Police sa kampanya nito laban sa ilegal na droga ang nasabing punong guro.

DROGA GURO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with