Kinilala ng San Fernando City Police ang mga nasawi na sina Kareena Mirchandani, Indian national na nagmamay-ari ng sinalakay na Shania Kenny Merchandise Store; Haidie Delos Reyes, accountant nito at security guard na si Ferdinand Gacayan.
STAR/ File
Tindahan ng Bumbay niratrat: 3 patay
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines – Tatlo katao ang patay kabilang ang isang negos­yanteng “Bumbay” matapos pagbabarilin ng dalawang berdugo na sumalakay sa malaking merchandise store na pagmamay-ari ng huli sa Brgy. Catbegan, San Fernando City, La Union noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng San Fernando City Police ang mga nasawi na sina Kareena Mirchandani, Indian national na nagmamay-ari ng sinalakay na Shania Kenny Merchandise Store; Haidie Delos Reyes, accountant nito at security guard na si Ferdinand Gacayan.

Sinabi ni City Chief of Police Lt. Colonel Percival Pineda na dakong alas-6 ng gabi nang umatake sa nasabing merchandise store ang dalawang naka-helmet na killers lulan ng motorsiklo.

Unang pinuruhan ng isang gunman ang accountant ng tindahan na si Delos Reyes bago binaril ang may-ari na si Mirchandani.  

Ayon pa kay Pineda, pinagbabaril din hanggang sa mapatay ng isa pang gunman ang sasaklolo sanang guwardya ng nasabing tindahan na si Gacayan.

Nagpulasan naman ang mga nasindak na tao sa paligid ng tindahan dahil sa takot na madamay sa putukan na siyang sinamantala ng dalawang berdugo upang tumakas sakay ng isang motorsiklo. 

Nag-iwan ng mga basyo ng bala ng cal. 45 ang mga suspek sa crime scene na iniim­bestigahan ng SOCO.

Ayon kay Pineda, inaalam na kung may koneksyon ang paglusob sa nabigong pagpatay sa mister ni Mirchandani na isa ring Indian national noong 2016.

FERDINAND GACAYAN HAIDIE DELOS REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with