No. 3 drug personality todas sa buy-bust
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Bulagta ang tinaguriang Number 3 sa drug watchlist ng mga drug personalities sa Laoag City matapos manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Pila ng nasabing lungsod kamakalawa.

Sa report kay City Chief of Police Lt. Col. Amador Quiocho, patay nang makipagratratan ang suspek na si Andrew Ventura, 43, matapos mahalatang pulis ang binentahan nito ng isang sachet ng shabu sa kanyang teritoryo. Bukod sa buy-bust money at cellphone na naglalaman ng drug transactions, nasamsam sa katawan ng natumbang drug suspect ang anim na sachet ng droga at ang cal.45 baril nitong pinaniniwalaang ninakaw sa isang pulis.

Ayon kay Quiocho, repeat offender si Ventura na kalalaya lamang kamakailan matapos sumailalim sa plea bargaining sa korte na aminin ang kanyang kaso kapalit ng mas mababang sentensya.

BUY BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with