^

Probinsiya

2 kagawad itinumba sa bgy. hall

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 kagawad itinumba sa bgy. hall
Kinilala ni Police Capt. Dominador Orate, hepe ng Talakag Police ang mga biktima na sina Brgy. Dominorog Kagawad Lorenzo Pedyaan na idineklarang dead-on-the-spot at Kgd. Mau-ricio Guinto na dead-on-arrival sa ospital sanhi ng kanilang mga tama ng punglo sa ulo.
STAR/ File

NORTH COTABATO, Philippines - Hindi na nakadalo pa sa kanilang sesyon ang dalawang kagawad matapos silang pagbabarilin ng hinihinalang “gun-for-hire” habang papasok sa kanilang barangay hall sa Brgy. Dominorog, Talakag, Bukidnon, iniulat kahapon.

Kinilala ni Police Capt. Dominador Orate, hepe ng Talakag Police ang mga biktima na sina Brgy. Dominorog Kagawad Lorenzo Pedyaan na idineklarang dead-on-the-spot at Kgd. Mau-ricio Guinto na dead-on-arrival sa ospital sanhi ng kanilang mga tama ng punglo sa ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-9 ng umaga ka­ma­kalawa habang pa­pasok na sa gate ng barangay hall ang dalawa para dumalo sa sesyon sa barangay nang pagba­barilin ng ‘di pa nakila-lang gunman.

Kaugnay nito, sinabi ng kanilang brgy. chairman na si Judith Ocum na maaaring nadamay lamang ang dalawang kagawad dahil posibleng siya ang puntirya ng suspek kasunod ng mga natatanggap niyang pagbabanta sa buhay bunsod sa isyung away sa lupa. Aniya, pinatay ang kanyang mister na si Datu Bulbulaton Gabriel Ocum noong Mayo 2019 dahil sa land dispute at maging siya ay pinaplanong iligpit.

Una nang ibinunyag ni Brgy. Treasurer Angelie Bercede na hinahanap ng isang armadong lalaki si Chairman Ocum su-balit hindi nito itinuro. Kasunod nito, nagulat na lamang si Bercede nang biglang pinagbabaril ng suspek ang dalawang kagawad na nakatayo lamang sa gate ng kanilang barangay hall.

vuukle comment

MAU-RICIO GUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with