^

Probinsiya

Binata na may topak, kinatay ng utol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Namatay noon din ang isang 32-anyos na binata na sinasabing may sakit sa pag-iisip matapos pagtatagain ng kanyang kapatid sa ama sa Zone-5, Brgy. Antipolo Old, Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang agad ikinamatay ng biktimang si Vicente Sunga Villa-real Jr., habang sumuko sa mga pulis ang suspek na si Samuel Sunga, 32-anyos; pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga sa hindi malamang dahilan ay pinagsusuntok ng biktima ang suspek dahilan para kumuha ng itak ang huli at pinagtataga ang una. Sinubukan pang awatin ng mga kamag-anak ang suspek pero patay na nang lubayan nito sa pananaga ang kapatid.

Dahil sa pareho niyang anak ang biktima at suspek, nagdesisyon ang kanilang amang si Vicente Ricafrente Villareal Sr. na hindi na magsasampa ng kaso at pumirma sa affidavit of desistance sa police station kaya pinalaya si Samuel.

vuukle comment

VICENTE RICAFRENTE VILLAREAL SR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with