Si Senator Bato na sinasabing may fractured sa braso nang maaksidente sa Cagayan Valley.
FB photo
Sa ‘Ironman Motorcycle Challenge’ Sen. Bato, police chief ‘di umabot sa finish line
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Hindi na nakaabot ng finish line ng “Boss Ironman Motorcycle Challenge 2020” sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at isang hepe ng pulisya matapos maaksidente sa motorsiklo habang binabagtas nila ang highway sa Cagayan noong Sabado.

“Shit happens! And it really happened when I crashed along the wet and glossy asphalt road of Sanchez Mira, Cagayan Valley. I can no longer finish the 2020 boss ironman motorcycle challenge supposedly this afternoon (Sabado),”  ani Sen. Dela Rosa sa kanyang official Facebook account.

Kaugnay nito, sinabi ni Sanchez Mira Chief of Police Major Stanley Banan na wala silang naitala sa police blotter sa nasabing insidente bagama’t dumaan sa kanyang teritoryo ang mga Ironman riders dakong alas-4:00 ng umaga.

Isang residente naman ng Sanchez Mira ang nakakitang namahinga si Dela Rosa sa isang gasolinahan palabas ng boundary ng Sanchez Mira sa checkpoint ng Ironman Challenge.

Maging ang Pamplona Police ay itinanggi ring mayroong naireport na aksidente sa kanilang hurisdiksyon.

Samantala sa bayan ng Alcala, nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Lt. Colonel Heryl Bruno, hepe ng San Jose City, Nueva Ecija Police Station matapos makipagsalpukan sa traysikel malapit sa palengke ng Barangay Baybayog dakong alas 8:00 ng umaga. 

Isinugod si Bruno sa isang pribadong ospital sa lungsod na ito habang himalang hindi nagalusan ang drayber ng traysikel na si Marlon Duruin, 55, na umano’y may anting-anting.

Kapwa nasa mabuting ka­lagayan ang senador at si Bruno subalit hindi na nila nakumpleto ang 1,200 kilometrong endurance challenge na nagtapos noong araw ding ‘yon sa San Fernando City, Pampanga.

BATO DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with