Indian trader, tinodas bago ninakawan
Jorge Hallare, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta sa loob mismo ng kanyang sasakyan ang isang Indian national matapos barilin sa ulo at pagnakawan pa ng hindi nakilalang suspek habang nakaparada sa tabi ng provincial road ng Brgy. Balaogan, Bula, sa Camarines Sur kahapon ng umaga.

Napuruhan ng punglo sa ulo at agad nasawi ang negosyanteng biktima na si Surjit Kaur Singh, 40-anyos at naninirahan sa Zone-6, Brgy. San Miguel sa Iriga City.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga habang nakaupo ang biktima sa loob ng kanyang kotse na nakahimpil sa tabi ng kalsada nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang gunman at agad siyang binaril sa ulo. Matapos na bumulagta ang biktima, kinuha ng gunman ang bag nito na naglalaman ng cellphone at hindi malamang halaga ng pera saka tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with