27 pulis sinibak sa serbisyo sa CARAGA

Sinabi ni CARAGA Police Director Police Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr. na ang Discipline Law and Order Section ng Regional Personnel and Records Management Division at Regional Internal Affairs Service 13 ay nakatanggap ng kabuuang 200 kaso.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umaabot sa 27 pulis ang na-dismiss sa serbisyo kaugnay ng puspusang paglilinis ng CARAGA Police sa mga scalawags sa kanilang hanay sa taong 2019, ayon sa isang opisyal kahapon.

Sinabi ni CARAGA Police Director Police Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr. na ang Discipline Law and Order Section ng Regional Personnel and Records Management Division at Regional Internal Affairs Service 13 ay nakatanggap ng kabuuang 200 kaso.

Sa nasabing bilang, 194 dito ay naresolba  kung saan pinatawan ng kaukulang kaparusahan ang mga police scalawags sa CARAGA.

Sinabi ni Esquivel na matapos ang imbestigasyon, 27 pulis ang pinatalsik sa serbisyo, lima ang na-demote, 41 ang nasuspinde, 14 ang na-reprimand, 184 ang napawalang sala at na-dismiss naman ang tatlo pang kaso.

“The dismissed policemen were found guilty for grave neglect of duty, conduct unbecoming of a police officer and grave misconduct,” anang opisyal.

Show comments