Kinilala ang bikti­mang si Emilio Ayto­na Jr., may-ari ng Ca­nimog Hotel, sa naturang lugar habang nakakulong at naka-takdang sampahan ng kaso ang suspek na si Nestor Nabo Quinones, 54-anyos, residente ng Poblacion 2 sa bayan ng Basud.
File
Trader inutas ng tauhan, inilagay sa septic tank
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay na nang ma­tagpuan ang isang 70-anyos na negos-yante matapos patayin ng kanyang utility maintenance worker at saka itinapon sa septic tank ng kanyang pag-aaring hotel sa San Vicente Road, Purok-2, Brgy. Lag-on sa bayan ng Daet, Camarines Norte, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang bikti­mang si Emilio Ayto­na Jr., may-ari ng Ca­nimog Hotel, sa naturang lugar habang nakakulong at naka-takdang sampahan ng kaso ang suspek na si Nestor Nabo Quinones, 54-anyos, residente ng Poblacion 2 sa bayan ng Basud.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magtungo sa Daet Police Station ang anak ng biktima na si Paul Vincent Aytona at ini-report na nadiskubre niyang pinatay ng kanilang tauhan ang kanyang tatay na si Emilio na ilang araw nang nawawala.

Nagsimula uma­nong nawala ang biktima noong Enero 8 hanggang maisipan nilang tingnan ang kopya ng CCTV ng hotel nitong nakalipas na Enero 16.

Malinaw na nakita sa kuha ng CCTV na kinakaladkad ng suspek na si Quinones ang wala nang buhay na biktima na natatalian ng lubid ang dalawang binti.

Nilinis na rin ng suspek ang lugar kung saan posibleng pinatay ang biktima para itago ang krimen.

Nang imbestigahan ay agad na umamin ang suspek sa mga pulis na pinatay nga niya ang biktima at inilibing sa septic tank ng hotel.

Patuloy pa sa ginagawang imbestigasyon para malaman kung ano ang ginamit sa pamamaslang at motibo sa krimen.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with