Larawan ng pagkar e l i - hiyoso ni Benedict P a l o - gan na natimbog sa buy-bust operation ng pulisya.
Ex-consultant ni Gov. Albano tiklo sa droga, baril
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Arestado ang dating congressional consultant ni Isabela Governor Rodolfo Albano III matapos mahulihan ng droga at baril sa ikinasang buy-bust ope­ration ng pulisya sa Brgy. Balzain East ng lungsod na ito kamakalawa.

Sinabi ni Cagayan Police Director Colonel Ariel Quilang na dinakma ng mga operatiba si Benedict Palogan matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang undercover agent ng pulisya sa Rizal St., nasabing barangay.

Nasamsam kay Palogan ang lima pang sachet ng shabu, P2,000 marked money at isang cal. 38 revolver na paltik.

Ayon kay Quilang, si Palogan ay isang high value target (HVT) na matagal na nilang isinailalim sa surveillance dahil sa madalas nitong pagkakasangkot sa drug trade.

Sinabi naman ni Albano na hindi niya kukunsintihin si Palogan na isa pa namang malayong kamag-anak. Aniya, matagal na niyang ipinasok sa rehabilitation center sa Tagaytay si Palogan at muling kinuha sa Kongreso sa pag-aakalang nagbago na. Gayunman, nilinaw nito na nang maupo siya bilang gobernador ay sinibak na niya si Palogan na patuloy na ginagamit ang kanyang pa-ngalan.

ARIEL QUILANG BUY-BUST RODOLFO ALBANO III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with