^

Probinsiya

Dalaga tigok sa barbed wire

Pilipino Star Ngayon

ZAMBOANGA, Philippines — Nasawi ang isang 21-taong gulang na dalaga nang tumama ang kanyang leeg sa isang barbed wire habang nakikipagpambuno sa misis ng kanyang lover sa Aquino Drive, Barangay Canelar, Zamboanga City, kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon ng pulis, lalaki ang naging dahilan ng pag-aaway ng biktima at suspek.

Sa report ng pulis, sinabi na nagpang-abot ang biktima at ang suspek sa bahagi ng Aquino Drive kung saan kasama ng biktima ang mister ng suspek.

Sinabi sa report na magkalaguyo umano ang lalaki at biktima.

Sa galit ng suspek, sinugod nito ang biktima at nagkasakitan ang dalawa hanggang itinulak ng suspek ang biktima sa barbed wire dahilan ng pagkasawi nito.

Nakatakas ang suspek na kasalukuyang pinagha­hanap ng pulisya.

vuukle comment

BARBED WIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with