Isang eksena ng pagbaha sa Ilagan City, Isabela.
Kuha ni Raymund Catindig
7 pa nasa state of calamity
Raymund Catindig, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pito pang lugar ang isinailalim sa state of calamity  sanhi ng matinding pinsala na tinamo sa pananalasa ng bagyong Tisoy sa mga apektadong lugar sa Bicol Region, Southern Tagalog at Visayas Region.

 Sa report ng Regional Office ng Office of Civil Defense (OCD), kabilang pa sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Sorsogon, Camarines Sur at Naga City ng lalawigan; Oriental Mindoro, Lubang island,  Occidental Mindoro at Calbayog City, Samar.

 Una nang inilagay sa state of calamity ang Albay sa Bicol bunga ng matin­ding pinsala sa delubyo ng bagyong Tisoy.

Samantala, umabot sa 3,089 katao ang inilikas ng mga awtoridad kasunod ng pagsalanta ng flash floods bunsod ng hanging Amihan sa hilagang Isabela kahapon.

Sa report na ipinalabas ni Isabela Police Director Colonel Mariano Rodriguez, ang mga evacuees na tinukoy ay mula sa 762 pamilyang apektado ng pagbaha mula sa 10 munisipalidad at dalawang lungsod matapos ang dalawang araw na walang tigil na pag-ulan.

Dahil dito, idineklara ng mga opisyal ang State of Calamity sa lunsod upang mapabilis ang relief and rehabilitation works.

 

STATE OF CALAMITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with