Unang natagpuang sugatan at wala nang ulirat sa loob ng tumatakbo niyang sasakyan ang taxi driver na si Johnherr Omli, 50-anyos.
Miguel De Guzman/File
Taxi driver tinodas ng holdaper
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines —  Isang driver na nagawa pang itakbo ang kanyang minamanehong taxi kahit duguan ang idineklarang patay sa ospital matapos na pagbabarilin ng hinihinalang holdaper sa Kias, Baguio City kamakalawa.

Unang natagpuang sugatan at wala nang ulirat sa loob ng tumatakbo niyang sasakyan ang taxi driver na si Johnherr Omli, 50-anyos.

Ayon kay Julius Wakit na drayber ng jeepney, bumaba siya sa pinapasadang sasakyan nang mapansing duguan ang drayber ng sinusundan niyang taxi dakong alas-8:00 ng gabi.

Sinabi ni Wakit sa mga imbestigador na bumaba siya at hinabol ang taxi at nang huminto ay saka niya minaneho at isinugod sa Baguio General Hospital and Medical Center ang duguang biktima. Gayuman, nalagutan ng hini­nga ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Pinaniniwalaang robbery holdup ang motibo sa krimen dahil nawawala ang kinita ng biktima sa pamamasada.

JOHNHERR OMLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with