Apat na sundalo ka­bilang ang isang opis­yal ang nasawi
File
4 sundalo dedo, 7 sugatan sa road mishap
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na sundalo ka­bilang ang isang opis­yal ang nasawi habang pito pa ang nasugatan matapos na suwagin ng isang wing van ang isang pickup at tricycle sa highway ng Paranas, Samar nitong Martes ng umaga.

Pawang dead-on-the-spot ang mga biktima na sina 2nd Lt. Charlie Cabanog, Staff Sergeant Crisostomo Gabuay, Staff Sergeant Sherwin Antonio at Staff Sergeant Rommel Ombrog, mga nakalataga sa 8th Infantry Division (ID) ng Philippine Army. Isinugod naman sa Samar Provincial Hospital ang mga nasugatang sina Lt. Col. Edgar Allan Orbito, Priv. Mat Raymond Barrantes at Sgt. Nixon Abadiano; pawang lulan ng kulay abong Toyota Hilux-pickup (TO962); Warren Dabut, tricycle driver; mga estudyanteng sakay nito na sina Janica Obidos Baco, Jella Bacay Baccol at Sheryl Sayasa Maurillo.

 Arestado naman ang driver ng wing van na si Elvin Brillantes, 44, at helper nitong si Alex Dubria na nagsimula ng banggaan.

 Sa report, binabagtas ng wing van truck (UVZ-951) ni Brillantes ang national road sa Brgy. Apolonia galing Hinabangan, Samar patungong Catbalogan City nang suwagin nito ang tricycle (HB 9944) ni Dabut sakay ang mga estudyante. Kasunod nito, nagmaniobra ang wing van sa kabilang direksyon hanggang sa makasalpukan naman nito ang pickup ng mga sundalo na ikinasawi ng apat. Sumunod pang binangga ng wing van ang bahay ni Marita Bacacaycay Abarratigue sa tabi ng highway pero walang nasugatan.

CHARLIE CABANOG CRISOSTOMO GABUAY SHERWIN ANTONIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with