Sa ulat, dakong alas-10:25 ng gabi, nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang umano’y nobya na si Maria Isabel Cabungcal na asawa ni Oliver nang biglang barilin umano ng nasabing suspek na nakaabang na gamit ang hindi ma­lamang kalibre ng baril.
File
Lover ni misis binoga ni mister
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Isang 36-anyos na lalaki ang sugatan matapos barilin ng mister ng kanyang nobya sa kanilang bahay sa Zone-3, Brgy. Bitano sa Legazpi City, Albay kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas ang biktimang si Randy Malate Tan, residente sa nasabing barangay matapos na tamaan ng punglo sa braso. 

Tinutugis na ng pulisya ang tumakas na suspek na si Oliver Cruz Cabungcal, 42-anyos, residente ng Brgy. Sagpon.

Sa ulat, dakong alas-10:25 ng gabi, nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang umano’y nobya na si Maria Isabel Cabungcal na asawa ni Oliver nang biglang barilin umano ng nasabing suspek na nakaabang na gamit ang hindi ma­lamang kalibre ng baril.

Dahil sa putok sa labas ng bahay, dumu­ngaw ang asawa ng suspek na si Maria Isabel at nakita niya ang papatakas na mister habang naiwang su­gatan ang kanyang lover.

Nabatid na matagal na rin umanong hiwalay ang mag-asawang Cabungcal pero pinagseselosan pa rin ng suspek ang biktima.

BARIL KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with