Nakilala ang napatay na biktima na si Mark Anthony Borantes habang inoobserbahan sa ospital ang isa pang biktima na si Ronie Pagtabunan.
Jean-Francois Monier/AFP/Getty Images
Nag-trespass sa park, utas sa shotgun ng sekyu
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Bulagta ang isa sa anim na nag-trespass sa isang business park matapos na barilin ng shotgun ng nakatalagang security guard habang isa pa ang kritikal kahapon ng madaling araw sa Brgy. Maduya, Carmona, lalawigang ito.

Nakilala ang napatay na biktima na si Mark Anthony Borantes habang inoobserbahan sa ospital ang isa pang biktima na si Ronie Pagtabunan. Nakatakbo naman ang apat nilang kasamahan na nakilala lamang sa mga alyas na “Kulot”, “Jeffrey”, “Jeric” at “Dagul”, pawang mga residente ng Brgy. Maduya, Carmona, Cavite. Tatlo sa mga nabanggit ay sinasabing mga menor-de-edad.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:30 ng madaling araw nang matiyempuhan ng nakatalagang guwardya na si Alcher Villarin Moreno, nasa hustong gulang, ng Green Meadows ang anim na ‘di kilalang katao sa loob ng binabantayang Golden Mile Business Park. Dahil dito, sinita umano niya ang anim kung ano ang ginagawa nila sa loob ng park ng dis-oras ng gabi subalit sa halip na sumagot ay kumuha umano ang anim ng mga bato at siya ay pinagbabato.

Dito na umano napilitang putukan ng dalang shotgun ng sekyu ang mga biktima kung saan nasapol ang dalawa na ikinamatay ng isa. 

Hawak na ng pulisya ang nasabing sekyu at nahaharap sa mga kaukulang kaso.

PATAY TRESPASSING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with