Trike driver bulagta, kuya grabe sa pamamaril
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2019 - 12:00am

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Patay agad ang isang tricycle driver habang malubhang nasugatan ang kanyang nakatatandang kapatid matapos na pagbabarilin ng nag-iisang salarin sa Candelaria-San Juan Batangas road na sakop ng Barangay Malabanban Sur, ka­makalawa ng hapon.

Nagtamo ng mga ta­ma ng bala ng kalibre 45 sa ulo at katawan si Victor Landicho, 28 samantalang patuloy na nilalapatan ng lunas sa Candelaria District Hospital dahil sa mga tama ng bala sa katawan si Menardo, 38, kapwa mga residente ng Barangay Sta. Catalina Sur.

Sa imbestigasyon, minamaneho ni Victor ang suzuki tricycle at sakay ang nakatatandang kapatid patungo sa direksyon ng San Juan Batangas nang harangin sila dakong alas-5:30 ng hindi nakikilalang lalaki na sakay ng motorsiklo. Mabilis umanong bumunot ng baril ang suspek saka pinaulanan ng punglo ang mag-utol at tumakas patungo sa direksyon ng kabayanan.

PAMAMARIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with