Ang nasawing biktima na nagtamo ng tama ng bala sa leeg at katawan ay kinilalang si Senando Hernandez, nasa hustong gulang.
STAR/File
Magsasaka nirapido sa pinyahan, dedo
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Isang magsasaka na caretaker ng isang taniman ng pinya ang napaslang nang pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na salarin habang nagtatabas ng damo sa pinyahan sa Brgy. Buck Estate, Alfonso, sa lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawing biktima na nagtamo ng tama ng bala sa leeg at katawan ay kinilalang si Senando Hernandez, nasa hustong gulang.

Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek na agad tumakas matapos maisagawa ang pamamaslang.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng hapon nang maganap ang insidente. Kasalukuyang nasa pinyahan ang biktima at nagtatabas ito ng mga damo nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng suspek.

Ayon sa ilang kapitbahay ng biktima, nakarinig umano sila ng sunud-sunod na putok mula sa pinyahan at nang kanilang puntahan ay nakita na nila ang duguang biktima.

Nagawa pang isugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ngunit idineklang dead-on-arrival.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with