Jeep vs trak: Lola dedo, 21 pa sugatan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

RIZAL, Philippines – Patay ang isang lola habang sugatan ang 21 pang pasahero nang su­malpok ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa isang truck sa bayan ng Rodriguez, dito sa lalawigan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang lola na si Estelita Sumulat, 62-anyos na nasawi dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan habang ginagamot na sa Ynares Medical Center ang 21 na sugatang kapwa pasahero ng jeep.

Sa ulat, alas-9:00 ng gabi habang binabagtas ng passenger jeepney (DXV-249) ang pababang bahagi ng Zigzag Road, Brgy. San Jose at sakay ang mga biktima nang mawalan umano ng kontrol ang driver sa manibela.

Dahil sa pababa, lumusot sa kabilang lane ang jeep at sumalpok sa kasalubong na Isuzu Elf truck (TTH-102) na may kargang mga gulay, bago tuluyang tumagilid at nagkayupi-yupi.

Sinabi ng sakay ng truck na si Alicia Solis na itinabi na nila ang kanilang truck pero inabot pa rin sila ng jeep. 

Kuwento naman ng pasaherong si Leigh Ann Angeles, kung hindi umano bumangga sa truck ang kanilang sasakyan ay posibleng nahulog pa sila sa ba­ngin at nagtamo ng mas matindi pang pinsala.

 

JEEP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with