^

Motor vs van: Rider tigok, angkas grabe

Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Patay ang rider ng motorsiklo habang kritikal ang angkas nito matapos na makasalpukan ang isang van habang kapwa bumabagtas sa kahabaan ng Molino-Paliparan Road, Brgy. Salawag, Dasmariñas City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Plt Col Nerwin Ricohermoso ang namatay na biktima na si Virgilio Felipe Jr., 26-anyos, residente ng Blk. 10, Lot 19, Acura St., Greenpoint Homes, Mambog 4, Bacoor City habang kritikal ang backrider nito na tumi­lapon sa insidente na si Benjamin Roldan, 32-anyos, ng Blk. 12, Lot 22, Greenpoint Homes Subd., Mambog 4, Bacoor City.

Hawak na ng pulisya ang driver ng Lite Ace van na si David Mambanon Jr , 45, ng Blk. 24, Lot 17, Teacher’s Village, Brgy. San Gabriel, GMA, Cavite.

Sa ulat, alas-5:00 ng madaling araw habang bina­bagtas ng mga biktima lulan ng Honda Click motorcycle na walang plaka ang nasabing kalsada nang tumbukin sila ng kasalubong na van (PTT-151) ni Mambanon. Parehong mabilis ang patakbo ng dalawang sasakyan at nang mapadaan na sa pakurbang kalsada ay dito na kapwa hindi nakapagmenor na naging sanhi ng salpukan.

Sa lakas ng impact, kapwa tumilapon ang mga biktima na ikinasawi ng driver ng motorsiklo.

Nakakulong na ang driver ng van na nahaharap sa kasong kriminal.

AKSIDENTE PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with