^
Kotse vs jeep: Lolo patay
Kinilala ang biktima na si Roland Lim, 63-anyos ng 115 Col. Doro St., Pasay City. Hawak na ng pulisya ang driver ng jeep na si Michael Lamoste, 34, ng Arcia Compound, Inocencio, Trece Martires City.
File

Kotse vs jeep: Lolo patay

Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Patay ang isang senior citizen matapos na lumipad palabas ng kanyang minamanehong kotse nang makasalpukan ang isang jeep habang bumabagtas sa kahabaan ng Trece-Indang Rd., Brgy. Luciano, Trece Martires City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Roland Lim, 63-anyos ng 115 Col. Doro St., Pasay City. Hawak na ng pulisya ang driver ng jeep na si Michael Lamoste, 34, ng Arcia Compound, Inocencio, Trece Martires City.

Sa ulat, dakong alas-9:50 ng gabi, sakay ang biktima ng kanyang kotse na Honda (50166) at bumabagtas sa nasabing lugar nang biglang sakupin ng kasalubong na jeep (DVR 574) ni Lamoste ang gitnang kalsada dahilan upang magsalpukan ang naturang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng banggaan, humagis palabas ng sasak­yan ang biktima at lumaga­pak sa kalsada. Siya ay napu­ruhan sa ulo na agad na itinakbo sa pagamutan subal­it hindi na umabot nang buhay.

ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with