Natagpuang naliligo sa sarili niyang dugo, may malalalim na sugat sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpuan sa kanyang kuwarto dakong alas-4:14 ng hapon ang biktimang si Donn Carlos Borja Bagadiong, guro sa Catanduanes National High School.
File
Beking guro kinatay sa kuwarto
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 28-anyos na public school teacher na miyembro ng LGBT community makaraang ataduhin ng saksak ng ‘di pa natutukoy na mga suspek sa loob ng kanyang silid sa Virac, Catanduanes, nitong Linggo.

Natagpuang naliligo sa sarili niyang dugo, may malalalim na sugat sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpuan sa kanyang kuwarto dakong alas-4:14 ng hapon ang biktimang si Donn Carlos Borja Bagadiong, guro sa Catanduanes National High School.

Sa ulat ng Catanduanes Police, bandang alas-4:14 ng hapon kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan sa Brgy. Valencia ng bayang ito.

Isang butchers knife ang na-recover na may bahid pa ng dugo ang natagpuan hindi kalayuan sa bangkay ng biktima na pinaniniwalaang ginamit ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa brutal na pamamaslang sa biktima.

Samantala, agad namang ipinag-utos ni Police Col. Raul Florendo, Provincial Director ng Catanduanes Police na masusing imbestigahan ang krimen upang maaresto ang salarin at mapanagot ito sa batas.

Pinaniniwalaan namang personal na kilala ng nasabing guro ang salarin kung saan isa sa sinisilip na anggulo sa krimen ay pagnanakaw pero tinitingnan ang iba pang posib­leng motibo ng krimen.

Kaugnay nito, nag-alok na ng P100,000 pabuya ang pamahalaang lalawigan ng Catanduanes para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng suspek at ikalulutas ng krimen.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with