Binata inutas sa mall
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 33-an-yos na binata matapos na pagsasaksakin ng kanyang kaalitan makaraang mag-krus ang kanilang landas at magkasuntukan sa pangalawang palapag ng People’s Mall sa sentro ng Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Sinubukan pang isugod ng kanyang kasamang kapatid sa St. John Hospital pero idineklarang patay ang biktimang si Nonoy De Jesus Borromeo habang tinutugis na ng mga pulis ang tumakas na suspek na si Jeffrey Delos Santos Donceras, pawang residente ng Brgy. Abella.

Sa ulat, dakong alas-3:50 ng hapon, sa hindi inaasahang pagkakataon nagkita ang suspek at biktima sa loob ng mall na agad nagkaroon nang mainit na pagtatalo na nauwi sa suntukan.

Gayunman, sa gitna nang suntukan ay bumunot ng patalim ang suspek at pi­nag­sasaksak sa kanang bahagi ng dibdib at likuran ng katawan ang biktima na duguang humandusay.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with