200 bahay nasunog sa Boracay

MANILA,Philippines — Umaabot sa 200 bahay ang natupok ng apoy sa nangyaring sunog sa Sitio Ambolong, Brgy. Manocmanoc, Boracay Island, Malay, Aklan nitong Huwebes.

Sa ulat ng Police Regio­nal Office (PRO) 6, bandang alas-8:45 ng umaga nang mangyari ang sunog sa mataas na bahagi ng nasabing lugar sa popular na isla.

Bunga nito ay mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa nasa 200 kabahayan sa lugar. Wala namang naitalang nasugatan at nasawi sa nangyaring sunog na bumulaga sa mga turista sa nasabing dinarayong isla.

Show comments