500 lbs bomba narekober sa Marawi
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2019 - 12:00am

Manila, Phillipines — Nasa 500 pounds ng bomba ang narekober ng tropa ng  militar sa isinasagawang clearing ope­rations sa lungsod ng Marawi kamakalawa. 

Sa ulat ng Task Force Bangon Marawi (TFBM), ang nasabing bomba ay gamit ng mga teroristang Maute-Islamic State of Iraq and Syria (Maute–ISIS) na naiwan sa  kasagsagan ng Marawi siege noong Nob. 23, 2017. 

“A 500-lbs bomb, dropped during the Marawi siege, was recovered last Monday by AFP–EOD (Explosives and Ordnance Division) and the private contractor along Sector 8 of Marawi’s-Most Affected Area (MMA) or ground zero,” anang TFBM. Itinakda naman ang pag-detonate sa nasabing bomba base sa protocol sa darating na Sabado. Sa rekord, nasa 567 sari-saring mga bomba ang narekober sa MAA na may mga mounted ground penetrating radars at magnetometers. 

Sa clearing operations sa Marawi, nasa 3018 istraktura na ang na-demolish mula sa kabuuang 5,651 istraktura.

MARAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with