Sa inisyal na imbestigasyon, alas-7:00 ng umaga habang bumibili sa tindahan ang mga biktima malapit lang sa bahay ng tserman nang bigla na lamang lumapit ang dalawang suspek sakay ng Mio Yamaha motorcycle na kulay gray at pinagbabaril ang tserman sa iba’t ibang parte ng katawan habang nadaplisan naman sa kanang balikat ang kasama nito na si del Rosario.
File
Tserman sa Bulacan itinumba!
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

SAN ILDEFONSO, Bulacan, Philippines — Pinatay ng dala­wang ‘di pa kilalang lalaki ang isang kapitan ng barangay nang pagbabarilin habang may binibili sa isang tindahan habang sugatan ang kasama nito kahapon sa bayang ito.

Kinilala ni P/Lt. Col. Voltaire Rivera, acting chief ng San Ildefonso Police ang biktima na si Felimon Lazaro, 52-anyos, may-asawa, chairman ng Brgy. Malipampang, San Ildefonso, Bulacan. Siya ay dead-on-the-spot sa insidente habang nilalapatan ng lunas sa Galvez Hospital ang kasama nitong si Ri­chard del Rosario ng Brgy. Pala-Pala, San Ildefonso, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-7:00 ng umaga habang bumibili sa tindahan ang mga biktima malapit lang sa bahay ng tserman nang bigla na lamang lumapit ang dalawang suspek sakay ng Mio Yamaha motorcycle na kulay gray at pinagbabaril ang tserman sa iba’t ibang parte ng katawan habang nadaplisan naman sa kanang balikat ang kasama nito na si del Rosario.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pagpaslang sa chairman na ayon sa pamilya nito ay wala naman silang alam na kagalit o kaaway ng na­sabing punong barangay.

CHAIRMAN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with