Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Jerix Morada Mesa.
File
Anak tinarakan sa dibdib ng ama, patay
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Patay sa saksak  sa dibdib ang isang 34-anyos na binata ma­ta­pos na tarakan ng kanyang tatay makaraang hambalusin ng kahoy ng biktima ang huli sa kanilang mainitang pagtatalo sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sitio Mangga, Brgy. Balinad, Daraga, dito sa lalawi­gan kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Jerix Morada Mesa.

Sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang suspek na si Roberto Mesa Sr., 63-anyos.

Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi magkasamang nakipag-inuman ang mag-ama sa bahay ng isa sa kapatid ni Jerix na si Warren pero naunang umuwi. Pag-uwi ng tatay ay dinatnang solong umiinom ang anak kaya sinaway niya ito na tumigil na dahilan para magtalo  ang mag-ama habang nasa loob ng kanilang bahay. Sa init ng bangayan, kumuha ng kaputol na kahoy ang biktima at pinalo sa ulo ang kanyang tatay.

Gayunman, nakakuha ng kutsilyo ang nakatatandang Mesa at sinaksak sa kaliwang dibdib ang anak na duguang humandusay.

PATAY SAKSAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with