P17-M marijuana sinunog
SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Tinatayang mahigit sa P17 milyong halaga ng marijuana ang sinunog ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tinglayan, Kalinga, ayon sa ulat kahapon.
Sinabi ni P/Lt. Alexander Malisi, hepe ng Tinglayan Police Station na umabot sa limang taniman ng marijuana sa Brgy. Loccong, Tinglayan ang sinunog ng pinagsanib na operatiba ng PDEA Cordillera, Kalinga Police at Tinglayan Police sa ilalim ng “Oplan Green Pearl” nitong Miyerkules.
Umabot naman sa 22,700 fully-grown marijuana plants ang binunot ng mga awtoridad habang nasa 105,000 kilo ng dried marijuana stalks at dried marijuana leaves ang sinunog sa nasabing plantasyon. Wala naman nahuli ang mga awtoridad na cultivators sa nasabing mga plantasyon.
- Latest