Kinilala ang nasawi na si Police Master Sergeant Emmanuel Coronado na nakadestino sa San Isidro Police Station ng lungsod na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan habang ginagamot sa ospital ang dalawang anak na paslit na pawang menor-de-edad. Sa ulat, alas-9:30 ng gabi habang minamaneho ng ­opisyal ang kanyang kotse lulan ang tatlong anak at palabas na sila sa nasabing subdivision nang harangan sila ng mga suspek at pinagbabaril.
File
Parak dedo, 2 anak sugatan sa ambush
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang chief intel officer ng pulisya habang sugatan ang dalawa nitong paslit na anak nang tambangan at pagbabarilin ng ‘di kilalang mga suspek lulan ng motorsiklo habang palabas sila sa Maria Theresa Subdivision sa Brgy. San Isidro, General Santos City kamakalawa ng gabi.  

Kinilala ang nasawi na si Police Master Sergeant Emmanuel Coronado na nakadestino sa San Isidro Police Station ng lungsod na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan habang ginagamot sa ospital ang dalawang anak na paslit na pawang menor-de-edad. Sa ulat, alas-9:30 ng gabi habang minamaneho ng ­opisyal ang kanyang kotse lulan ang tatlong anak at palabas na sila sa nasabing subdivision nang harangan sila ng mga suspek at pinagbabaril. Nakaiwas naman sa pamamaril ang isa pang anak ng biktima matapos na makatakbo habang pinauulanan ng mga suspek ng mga punglo ang kanilang sasakyan.

Hinggil sa trabaho ang isa sa tinututukan na anggulo ng pulisya sa pamamaril sa biktima.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with