Batuan, Masbate walang mayor at vice mayor
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nananatiling walang umuupong alkalde at bise alkalde sa bayan ng Batuan sa Masbate kasunod ng pagpatay kay Vice Mayor Charlie “Bodgie” Yuzon ng apat na gunmen malapit sa kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila noong Oktubre 9.

Ayon kay Abner Bocboc, secretary ng pinaslang na bise-alkalde, naghihintay pa ang kanilang bayan ng magi­ging desisyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) habang inaasahang aakyat sa da­lawang bakanteng mataas na posisyon ang dalawang konsehal ng bayan na nakakuha ng pinakamara­ming boto noong eleksyon.

Kahit patay na at nakaburol si VM Yuson, hindi pa nagpapakita sa kanilang pamilya at sa munisipyo ang anak nitong si Mayor Charmax John Yuzon na nagsimulang mawala noong Hulyo makaraang maglabas ang korte ng Masbate ng warrant of arrest sa kasong illegal possession of firearms and explosive.

Nabatid na parehong kinasuhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang mag-amang Yuzon kaugnay ng raid noong Pebrero 13, sa kanilang resorts sa Brgy. Canvañez. Napawalang sala umano si “Bodgie” habang lumabas ang warrant of arrest sa anak na si Mayor Charmax John.

Dahil hindi na pumasok, pinalitan si Mayor Yuson ng kanyang tatay na si VM Bodgie pero tinambangan at pinaslang kamakailan.

 Nanawagan na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang maybahay ng pinaslang na alkalde na si Lalaine Yuson na tulu­ngan sila at ang bayan ng Batuan na makuha ang hustisya at itigil na ang karahasan sa kanilang bayan.

CHARLIE “BODGIE” YUZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with