Ang mga napatay na suspek ay sina Orlando Monticalbo, nasa hustong gulang; Alvin Mabenta, 29-anyos at isang ‘di pa natutukoy na suspek.
File
3 ‘pusher’ utas, 54 arestado sa drug ops
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong sinasabing ‘pusher’ ng droga habang nasa 54 iba pa ang naaresto sa magkakahiwalay na drug-operation na isinagawa ng mga otoridad sa lalawigan ng Bulacan, kahapon ng madaling araw.

Ang mga napatay na suspek ay sina Orlando Monticalbo, nasa hustong gulang; Alvin Mabenta, 29-anyos at isang ‘di pa natutukoy na suspek.

Napatay si Monticalbo at ang ‘di pa nakikilang suspek dakong ala-1:50 ng madaling araw matapos manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Tunggkong Mangga San Jose Del Monte, Bulacan.

Nabawi sa mga suspek ang isang cal .38 revolver, isang improvised shot gun at 15 plastic sachet ng shabu.

Sa bayan ng Plaridel napatay naman si Alvin Mabenta matapos na makipagbarilan sa mga otoridad dakong alas-12:20 ng madaling araw.

Si Mabenta ay nasa drug watchlist ng PNP/PDEA, narekober sa kanya ang isang cal .38 revolver at 11 plastic sachet ng shabu.

Naaresto naman ang 54 na drug suspects sa magkakahi­walay na buy-bust ope­­ration sa bayan ng Marilao. Bustos, Ha­gonoy, Malolos, Bocaue, San Ildefonso at San Jose del Monte.

Nabawi sa mga naarestong suspek ang 95 plastic sachet ng shabu, 7 plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at buy-bust money.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with