Suspek sa mga nakawan, bulagta

TIAONG, Quezon - Patay ang isang lalaki na isinasangkot sa serye ng mga nakawan sa bayang ito at malubhang nasugatan ang kanyang kasama makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin habang naglalakad sa gilid ng highway sa Brgy. San Agustin kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at iba’t-ibang parte ng katawan si Zoren Mindoro, 20, binata habang ginagamot sa ospital dahil sa tama ng bala sa hita at katawan si Novien Magundayao, 27, may asawa at kapwa nahaharap sa mga kaso ng pagnanakaw noong 2017.

Ayon sa pulisya, nagla­lakad patungo sa direksyon ng San Antonio, Quezon ang dalawa nang harangan ng nag-iisang suspek dakong alas-8:20 ng gabi saka sila pinaulanan ng mga punglo. 

Show comments