^

Probinsiya

3 ‘drug pusher’ todas sa shootout

Joy Cantos, Rhoderick Beñes - Pilipino Star Ngayon
3 �drug pusher� todas sa shootout

Tatlong hinihinalang drug pusher ang napaslang makaraang umano’y kumasa sa anti-drug operatives habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanila sa magkakahiwalay na pagsalakay sa Sultan Kudarat nitong Lunes.

Sa report ni Police Regional Office (PRO) 12 Director Police Brig. Gen. Alfred Corpus, isinisilbi ng mga elemento ng Quirino Municipal Police Station (MPS) ang search warrant na inisyu ni Judge Milanio Guerrero ng RTC 12 Judicial Region Branch 20, Tacurong City laban sa target na si Tato Dilangalen, 44, ng Brgy. Sinakulay, President Quirino nang manlaban umano siya sa mga awtoridad. Papasok pa lamang ang mga pulis sa tarangkahan ng tahanan nito ay sinalubong na sila ng mga putok sanhi ng shootout na ikinabulagta ng suspek. Narekober dito ang isang unit ng homemade Uzi 9mm submachine gun na may 9 na bala at dalawang medium size plastic ng shabu at 10 pang plastic sachet ng droga.

Samantala, patay din ang dalawa pang umano’y tulak na sina Alano Sepi Usop at Bigboy Sepi Usop; pawang ng Purok 2, Brgy. Sinalukay, Pres. Quirino, Sultan Kudarat nang manlaban umano habang sinisilbihan ng search warrant ng mga operatiba.Sa halip na sumuko, nagpaputok umano ng baril ang dalawa na nauwi  sa palitan ng putok hanggang sa magkakasunod silang tumimbuwang.

Nakuha sa crime scene ang isang unit ng cal. 38 revolver na may apat na bala, 8 piraso ng cartridge ng cal. 9mm, apat na piraso ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas at isang unit ng fragmentation grenade.

Ang tatlong suspek ay kapwa dead-on-arrival sa pagamutan dahil sa tina­mong mga tama ng bala sa katawan. (Joy Cantos, Rho­derick Beñez)

vuukle comment

DRUG PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with