2 miyembro ng ‘Scorpion Group’ natimbog
CAVITE , Philippines — Naaresto ng puwersa ng Cavite City Police ang dalawang kilabot na miyembro ng “Scorpion Group” na mga high value target (HVT) ng pulisya sa magkasunod na operasyon na ikinasa kamakalawa sa nasabing lungsod.
Kinilala ni P/Colonel Francisco Jarcia Lucena III, hepe ng pulisya rito ang mga suspek na sina Leo Loyola na may mga alias na Leo Arayata at John Roa, 25-anyos, ng 120 Capt. Villareal St., Brgy. 36A, Cavite City, at Klarc Dave Tamondong, 24-anyos; kapwa mi-yembro ng Scorpion Group at nasa listahan ng mga HVTs ng Cavite Police.
Sa ulat, unang isinagawa ng pulisya kasama ang PDEA-Cavite ang drug bust laban kay Loyola. Nakipag-deal sila sa suspek sa bentahan ng droga at nang magpositibo ang transaksyon ay agad siyang inaresto at nakuhanan ng ‘di pa mabilang na gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.
Samantala, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery na inisyu ni Judge Amy Ana De Villa Rosero ng RTC Branch 16, Cavite City ay dinakip ang suspek na si Tamondong.
- Latest