8 ‘pusher’ arestado sa buy-bust

ANGELES CITY , Philippines — Walo katao na hinihinalang sangkot sa pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Angeles City Drug Enforcement Unit at Police Station-3 noong Linggo ng gabi.

 Sa ulat sa tanggapan ni P/Capt. Joven Rodriguez, kinilala ang mga suspek na sina Erron Pasigna, alias “Rambo”, 34-anyos, nasa drug watchlist ng pulisya; Saino Magad, 22; Hazima Ahmad Ali,19; Jonard Dela Cruz, 38; Ronaldo Sibug, 40; Melvin Cudia, 31; Jerry Castillo, at Rogelio Carlos; pawang mga taga-Angeles City. Nasamsam sa mga suspek ang 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa 31 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P72,000 at marked money na ginamit sa operasyon.

 Ang mga suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002.

Show comments