Mindanao niyanig ng 5.0 magnitude na lindol
Angie dela Cruz, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang malawak na bahagi ng Mindanao kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Phivolcs, sentro ng pagyanig ang bayan ng Makilala sa North Cotabato na may lalim na 16 kilometro alas-9:55 ng umaga. Tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Naramdaman ang intensity IV sa Kidapawan City; intensity III sa Pikit, North Cotabato habang Intensity V sa Kidapawan City; intensity III sa Tupi, South Cotabato; intensity II sa Alabel, Sarangani; Davao City at intensity I sa Kiamba at Sarangani, General Santos City.

Nagsilabasan ang ilang mga kawani ng city hall nang maramdaman ang nasabing pagyanig.

Agad namang kinansela ni Mayor Joseph Evangelista ang klase sa lahat ng antas, pribado man at pampublikong paaralan sa Kidapawan City.

Sa panayam ng PSN, sinabi ni Municipal Administrator Sheryl Orbita na maging ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas ng paaralan ay kinansela sa Makilala, North Cotabato kahapon dahil sa pagtama ng lindol. Inaasahan umano ang mga aftershocks sa insidente.

Sa kabila nito, walang naiulat na may nasaktan o nasirang ari-arian sa nasabing pagyanig.

LINDOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with